Pulis niratrat sa harap ng misis
July 17, 2004 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Pulis-Pasay ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect sa harapan mismo ng asawa nito, kamakalawa ng gabi sa Taguig.
Halos takasan ng bait si Maria Reyes nang masaksihan nito kung paano pinaulanan ng bala ng baril ng mga suspect ang kanyang mister na si PO3 Jose Reyes, 39, nakatalaga sa Pasay City Police Station.
Kaagad namang nagsitakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang isinagawang pamamaslang.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:10 ng gabi sa mismong harapan ng bahay ng biktima sa Purok 5 J.P. Rizal St., Brgy. Upper Bicutan, Taguig.
Ayon sa misis ng biktima, pinagbubuksan niya ng gate ang kanyang mister na kagagaling pa lamang sa pagdu-duty lulan ng isang kulay itim na Kawasaki Motorcycle nang lapitan ng mga suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril.
Tinangay pa ng mga suspect ang service firearm ng biktima sa kanilang pagtakas.
Isinugod naman ang biktima sa Rizal Medical Center subalit hindi na umabot pang buhay.
Hindi pa malinaw sa pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang, gayunman sinabi ng misis ng biktima na bago ang naganap na pamamaslang ay may nabanggit sa kanya ang kanyang mister na isang Muslim umano ang napapansin niyang palaging tumitingin sa kanya ng masama. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended