^

Metro

Richie D' Horsie timbog sa droga

-
Muli na namang nadakip ang dating komedyante at singer na si Richie D’ Horsie makaraang makuhanan ng limang plastic ng shabu matapos na salakayin ng pulisya ang isang bahay sa squatters’ area sa Project 4, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Si Richie na Ricardo Reyes sa tunay na buhay, 52, ng Alley 48 Project 6 ng nasabing lungsod ay nadakip bunsod ng muling pagkakasangkot sa ilegal na droga. Kasama nitong nadakip si Raymar Villamor, 24.

Batay sa pagsisiyasat ni PO1 Jerry Barrientos, ng CPD-Station 8 naganap ang pagsalakay dakong alas-7 ng gabi sa bahay ni Villamor.

Nabatid na nagtungo si Richie sa bahay ni Villamor upang kunin ang mga shabu, lingid sa kanyang kaalaman ay matagal na silang sinusubaybayan ng mga awtoridad.

Ito ay base sa ibinigay na impormasyon ng mga residente dito patungkol sa talamak na bentahan ng shabu sa lugar.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BATAY

DORIS FRANCHE

HORSIE

INIHAHANDA

JERRY BARRIENTOS

QUEZON CITY

RAYMAR VILLAMOR

RICARDO REYES

RICHIE D

SI RICHIE

VILLAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with