^

Metro

Sa Ayala Alabang Village: Tomboy nanlaban sa rape,pinatay

-
Isang tomboy na katulong ang pinatay sa saksak ng hindi pa nakikilalang suspect makaraang manlaban ito sa tangkang panghahalay ng huli matapos na makapagnakaw sa bahay ng amo ng una sa isang exclusive na subdivision sa Ayala Alabang sa Muntinlupa.

Nasawi noon din ang biktimang si Lorna Dating, 26, tubong Iloilo, katulong sa #389 Batangas St., Ayala Alabang Village sa nabanggit na lungsod sanhi ng apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos ang ginawang panloloob at pagpaslang.

Base sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang matagpuan ang biktima na duguan at wala ng buhay ng kasamahan din nitong katulong na si Flor Garcia, 26, sa bahay ng kanilang amo sa 389 Batangas St., Ayala Alabang Village.

Nabatid na iniwan lang sandali ni Garcia ang biktima na nag-iisa sa bahay dahil sa may pinuntahan siya.

Napag-alaman din na kumpirmadong nanloob ang suspect sa bahay dahil sa nawawala ang mga alahas sa master bedroom.

May teorya ang pulisya na matapos ang ginawang panloloob ay tinangka pa ng suspect na halayin ang biktima dahil sa nakalilis ang pang-ibaba nito.

Posibleng nanlaban ang biktima kaya ito sinaksak.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYALA ALABANG

AYALA ALABANG VILLAGE

BATANGAS ST.

FLOR GARCIA

GARCIA

ILOILO

ISANG

LORDETH BONILLA

LORNA DATING

MABILIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with