QC shootout: 1 patay, 1 arestado
July 14, 2004 | 12:00am
Namatay ang isa sa tatlong holdaper na miyembro ng Sigue-sigue Sputnik habang arestado ang isa at nakatakas naman ang isa pa matapos ang naganap na shootout sa pagitan ng naturang grupo at mga tauhan ng CPD-Baler Station sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng barilan ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Marlon, 25, habang naaresto ang kasamahan nitong si Renato Alonzo, 25. Nakatakas ang isa pang kasamahan ng mga ito.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungong Quiapo dakong alas-6 kamakalawa ng gabi ang Mega taxi na minamaneho ni Emilio Adjero, 30-anyos.
Paliko na ito ng Quezon Avenue nang magdeklara ng holdap ang tatlong suspect.
Dahil sa takot at pagkataranta, bumaba ng kanyang taxi si Adjero kung saan nakasalubong nito ang mga pulis na nakatalaga sa CPD-Baler Station.
Mabilis namang nagresponde ang mga pulis kung saan nakita ito ng mga suspect hanggang sa magkaroon ng pagpapalitan ng putok.
Agad na tinamaan ang suspect na si Marlon na naging dahilan nang pagkasawi nito, habang nasakote naman si Alonzo at nakatakas ang isa pa nilang kasamahan.
Walang namang iniulat na nasugatan o nasawi sa panig ng mga awtoridad. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended