Kinilala ang dinakip na suspect na si Arthur Balatbat, section chief ng DENR Forest Management Services Region IV at residente ng #5 Serrano Apt. Maysan Road, Valenzuela City.
Sa pahayag ng biktimang si Carmelita Cruz na nakatanggap siya ng Notice of Coverage buhat sa Department of Agrarian Reform na nagsasaad na inilagay ang kanyang lupain sa coverage ng CARP.
Nang magsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng DAR nabatid sa survey na hindi ito pumasa sa pagiging agricultural land at hindi pasok ng CARP.
Noong Hunyo 16, sumulat si Cruz sa DENR upang mag-isyu ng certificate na nagsasabing merong "18% slope" ang kanyang lupain upang maiwasan na mapasok ng CARP.
Hunyo 24, nakipag-usap sa kanya si Balatbat na humihingi ng P15,000 upang ipalabas ang hinihiling iyang certificate. Nagkaroon ng negosasyon hanggang sa umakyat pa ang halaga sa P40,000.
Dito na humingi ng tulong si Cruz sa NBI na nagplano ng entrapment operation laban sa suspect.
Naaresto si Balatbat habang tinatanggap ang P40,000 marked money buhat sa sekretarya ni Cruz sa loob ng canteen ng DENR. (Ulat ni Danilo Garcia)