^

Metro

Opisyal ng DENR timbog sa kotong

-
Isang mataas na opisyal sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang inaresto ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na kotongan ng halagang P40,000 ang isang may-ari ng lupa kapalit ng exemption nito sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Kinilala ang dinakip na suspect na si Arthur Balatbat, section chief ng DENR Forest Management Services Region IV at residente ng #5 Serrano Apt. Maysan Road, Valenzuela City.

Sa pahayag ng biktimang si Carmelita Cruz na nakatanggap siya ng ‘Notice of Coverage’ buhat sa Department of Agrarian Reform na nagsasaad na inilagay ang kanyang lupain sa coverage ng CARP.

Nang magsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng DAR nabatid sa survey na hindi ito pumasa sa pagiging ‘agricultural land’ at hindi pasok ng CARP.

Noong Hunyo 16, sumulat si Cruz sa DENR upang mag-isyu ng certificate na nagsasabing merong "18% slope" ang kanyang lupain upang maiwasan na mapasok ng CARP.

Hunyo 24, nakipag-usap sa kanya si Balatbat na humihingi ng P15,000 upang ipalabas ang hinihiling iyang certificate. Nagkaroon ng negosasyon hanggang sa umakyat pa ang halaga sa P40,000.

Dito na humingi ng tulong si Cruz sa NBI na nagplano ng entrapment operation laban sa suspect.

Naaresto si Balatbat habang tinatanggap ang P40,000 marked money buhat sa sekretarya ni Cruz sa loob ng canteen ng DENR. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARTHUR BALATBAT

BALATBAT

CARMELITA CRUZ

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

CRUZ

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FOREST MANAGEMENT SERVICES REGION

MAYSAN ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with