^

Metro

2 pang sangkot sa pagtatanim ng bomba sa MM, sumuko

-
Dalawa pang kasabwat ng isang dinismis na police colonel na itinurong mastermind sa tatlong insidente ng pagtatanim ng bomba sa Metro Manila ang sumuko kahapon kay Defense Secretary Eduardo Ermita sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Nakilala ang mga sumuko na sina William Ramos, 30 at Wilfredo Diamante, 60 na kapwa umaming bahagi ng destabilisasyon ang ginawa nilang pagtatanim ng bomba sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Kasabay nito ay lalong idiniin nina Diamante at Ramos si Linda Montayre, secretary general ng People’s Consultative Assembly na siya umanong utak sa planong destabilisasyon laban sa kasalukuyang gobyerno na isinakatuparan ng grupo ng nadismis na police colonel na si Roberto Camarista.

Si Camarista ay naunang sumuko noong nakalipas na Hunyo 25 matapos na madakip ang tatlo nitong caretakers sa isinagawang raid sa Cainta, Rizal noong Hunyo 23.

Binanggit pa nina Ramos at Diamante na kasama lamang sila sa usapan sa pagpaplano pero hindi sa aktuwal na pagtatanim ng mga bomba. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP AGUINALDO

CONSULTATIVE ASSEMBLY

DEFENSE SECRETARY EDUARDO ERMITA

HUNYO

JOY CANTOS

LINDA MONTAYRE

METRO MANILA

QUEZON CITY

RAMOS

ROBERTO CAMARISTA

SI CAMARISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with