Kasong robbery vs Raymart Santiago dinismis ng korte
July 9, 2004 | 12:00am
Dinismis kahapon ng Quezon City Prosecutors Office ang kasong robbery na isinampa laban sa aktor na si Raymart Santiago noong nakaraang taon dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.
Sa limang-pahinang resolusyon, sinabi ni Asst. City Prosecutor Eric Constantino na walang sapat na basehan para mapatunayan ang akusasyon laban kay Santiago, na ang tunay na pangalan ay Raymond Martin Santiago.
Matatandaan na ipinagharap ng kasong robbery si Santiago, matapos na agawin umano ang lisensiya ni Frederick Lorenzana matapos na magbanggaan ang kanilang mga sasakyan noong madaling-araw ng Mayo 13, 2003 sa tapat ng Miriam College sa Katipunan Ave., Quezon City.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni Lorenzana ng #7 Buenamar Subd., QC, na nabangga ang kanyang minamanehong Wagon Antra (CPL-619) sa Ford Expedition ni Santiago na minamaneho naman ni Joseph Sumalo.
Bumaba umano si Lorenzana at kinausap si Sumalo upang maayos ang anumang sira na natamo ng kanilang mga sasakyan.
Matapos na ibigay ni Lorenzana ang kanyang pangalan at address kay Sumalo, bigla umanong bumaba si Santiago sa sasakyan.
Lumapit umano si Santiago kay Lorenzana at sinuntok ng maraming beses habang minumura umano ito.
Matapos na suntukin, pilit na kinuha umano ni Santiago ang lisensya ni Lorenzana bago ito sumakay ng kanyang sasakyan.
Ayon pa kay Lorenzana, mayroon umanong nakasingit na P1,500 sa jacket ng kanyang lisensiya na tinangay ni Santiago.
Samantala, pinabulaanan naman ni Santiago ang akusasyon laban sa kanya at sinabing ibinigay niya ang lisensiya ni Lorenzana sa Land Transportation Office (LTO).
Dagdag naman ni Constantino sa kanyang resolusyon na nasa pangangalaga nga ni Santiago ang lisensiya ni Lorenzana subalit wala namang intensiyon ang naturang aktor na itago ito dahil ibinigay naman niya sa LTO.
"Sa estado ni Santiago, hindi naman siya makikinabang sa pagtatago ng lisensiya mula sa isang estranghero. Hindi niya ito magagamit," ani Constantino.
Ibinasura rin ni Constantino ang kasong reckless imprudence laban kay Santiago dahil din sa kawalan ng sapat na ebidensiya. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended