Brgy.chairman tinodas ng kainuman
July 9, 2004 | 12:00am
Isang 65-anyos na barangay captain ang pinatay sa saksak ng kanyang kainuman matapos nitong piliting sumama ang misis ng suspect na mag-videoke bar, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Binawian nang buhay habang nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Ernesto Vasquez, ng Brgy. 141, Zone 25, at naninirahan sa San Roque St., Pasay City sanhi ng ilang saksak sa tiyan buhat sa isang patalim.
Tumakas naman agad ang suspect na nakilalang si Mario Bueno, 56, aircon technician matapos ang isinagawang pananaksak.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:05 ng gabi sa loob ng karinderya ng suspect sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nag-iinuman ang biktima at suspect sa nabanggit na lugar at dahil sa kalasingan pinipilit ng biktima ang asawa ng suspect na nakilalang si Rose na sumama sa kanila upang mag-videoke.
Tumanggi ang ginang na naging dahilan upang hatakin ito sa damit ng naturang brgy. captain.
Nagalit ang suspect sa nasaksihan kayat mabilis itong kumuha ng patalim at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa katawan ang naturang barangay captain na naging dahilan ng kamatayan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended