Ama binoga matapos maihatid ang mga anak
July 8, 2004 | 12:00am
Namatay ang isang ama matapos itong barilin ng isang hindi nakikilalang lalaki makaraang maihatid ng una ang kanyang mga anak sa eskuwelahan, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa sentido ang biktimang si Joel Jacer, 38, ng Kalayaan St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.
Base sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan mismo ng Andres Bonifacio Elementary School na matatagpuan sa North Diversion Service Road sa Brgy. 114, Bagong Barrio, Caloocan City.
Napag-alaman na kahahatid pa lamang ng biktima sa kanyang mga anak sa paaralan nang bigla itong harangin ng suspect at walang sabi-sabing pinaputukan sa sentido.
Agad na bumulagta ang biktima, habang mabilis namang tumakas ang suspect.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang habang naglunsad naman ng manhunt operation ang pulisya laban sa pumugang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended