^

Metro

Tsinoy trader pumalag sa lumalalang kidnapping

-
Wala nang tiwala ngayon sa pulisya at nagbabalak nang lisanin ang bansa ng mga negosyanteng Fil-Chinese sa Binondo, Maynila dahil sa mas lumalalang insidente ng kidnapping kung saan itinuro ng mga ito na sangkot ang ilang tiwaling tauhan ng Western Police District (WPD).

Walang takot na itinuro kahapon ni Teresita Ang Sy, chairman ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) na isang mataas na opisyal sa WPD at kanyang mga tauhan ang may kagagawan sa pagdukot sa mag-asawang Tsinoy nitong nakaraang Lunes sa tapat ng kanilang tindahan sa Recto, Maynila.

Nabatid na napakawalan na ang naturang mag-asawa matapos na makapagbayad ang pamilya nito ng P600,000 ransom money.

Bukod dito, sinabi ni Sy na may ilan pang pamilyang Tsinoy na lumapit sa kanya at iniulat ang naganap na pangingidnap din sa kanila. Hindi na umano nag-ulat sa pulisya ang pamilya ng mga biktima dahil sa kawalan ng tiwala matapos na magpakilala ang mga suspect na mga pulis.

Dahil nga sa kawalang-tiwala sa WPD, nakatakdang lumapit si Sy kay NCRPO chief Director Ricardo de Leon upang aksiyunan ang kanilang mga reklamo laban sa mga pulis-Maynila.

Sinabi naman ni de Leon na kung totoong kilala na ng VACC ang mga suspect na pulis, nararapat na agad na magbigay ang mga ito ng impormasyon upang maisailalim sa kaukulang ‘due process’ ang mga ito.

Sinabi naman ni WPD Spokesman Chief Insp. Gerry Agunod na bukas ang pulisya na kilalanin ng mga biktima ang mga pinaghihinalaang pulis sa pamamagitan ng police line-up. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DIRECTOR RICARDO

GERRY AGUNOD

MAYNILA

SINABI

SPOKESMAN CHIEF INSP

SY

TERESITA ANG SY

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with