NPB na umambusa ret. colonel,timbog
July 7, 2004 | 12:00am
Isang self-confessed na miyembro ng New Peoples Army (NPA)-Alex Boncayao Brigade (ABB) at itinuturong isa sa pumatay kay Ret. Col. Dante Buenaventura ang naaresto ng mga tauhan ng Malabon City Police, kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspect na si Crisanto Santos, alyas "Cris" at Ka "Victor", 26 at kasalukuyang naninirahan sa 208 Brgy. Bukod, San Rafael, Bulacan.
Ayon sa report, dakong alas-9 ng gabi nang maaresto ang suspect sa kahabaan ng M. Sison St., Brgy. Dampalit ng nabanggit na lungsod.
Nakasaad sa ulat ng pulisya na kasalukuyan umano silang nagsasagawa ng follow-up operation hinggil sa pag-ambus kay dating Malabon chief of police Col. Buenaventura nang mamataan nila ang suspect habang pinaglalaruan ang isang granada.
Dali-daling nilapitan ito ng mga awtoridad kung saan patay-malisya inilaglag ng suspect ang granada sa lupa na mabilis namang dinampot ng isa sa mga operatiba.
Nagtangka pang manlaban si Santos subalit hindi din siya umubra sa mga tauhan ng awtoridad.
Habang isinasagawa ang interogasyon sa suspect isang testigo sa pagkapatay kay Buenaventura ang lumutang sa himpilan ng pulisya at doon ay positibong kinilala si Santos na isa sa umambus sa dating police colonel.
Umamin naman si Santos na siya ay miyembro ng NPA.
Magugunitang si Buenaventura ay pinagbabaril ng tatlong hindi nakikilalang suspect na pawang nakasuot ng itim na bonnet habang papauwi ito sa kanilang bahay noong nakalipas na Hulyo 2 dakong alas-8:20 ng gabi. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended