^

Metro

Bitay sa pulis,2 pa sangkot sa kidnap

-
Kamatayan ang inihatol ng Malabon Regional Trial Court sa isang dating pulis at dalawang kasamahan nito makaraang mapatunayan na nagkasala sa pagkidnap sa isang veterinary student tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa 32-pahinang desisyon ni Judge Emmanuel Laurea ng Malabon RTC branch 169, ang mga hinatulan ng bitay ay sina Rodolfo Magleo, dating pulis; Antonio Ajoc at ang kapatid nitong si Bryan Ajoc.

Inatasan din ng korte ang mga akusado na bayaran ng bawat isa ang kanilang naging biktima na si Nino Lorenzo Tobiano ng halagang P50,000 bilang danyos.

Base sa rekord ng korte, ang biktima ay sapilitang tinangay ng mga akusado noong Agosto 2, 2002 habang pasakay ng kanyang sasakyan sa harap ng tinutuluyang dormitoryo ng kaibigan sa Potrero, Malabon.

Ang biktima ay isinakay sa isang Toyota Corolla at saka dinala sa Capas, Tarlac kung saan ay itinago ang biktima sa loob ng isang septic tank sa loob ng walong araw.

Hiningan ng mga akusado ang pamilya ng biktima ng halagang isang milyong dolyar at P80M para sa kalayaan ni Tobiano.

Ang nasabing halaga ay bumaba sa P60M at isang milyong dolyar, subalit hindi pa man nagaganap ang bayaran ay nagawang makatakas ng biktima hanggang sa isa-isang naaresto ang mga akusado.

Kasalukuyan pang pinaghahanap ang mga kasamahan ng mga akusado na nakilalang sina Roger Magleo; Abu Hakim; Alex Go at Willy Lopez. (Ulat ni Rose Tamayo)

ABU HAKIM

ALEX GO

ANTONIO AJOC

BRYAN AJOC

ISANG

JUDGE EMMANUEL LAUREA

MALABON

MALABON REGIONAL TRIAL COURT

NINO LORENZO TOBIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with