Maid tumalon mula 16th floor nalasog
July 7, 2004 | 12:00am
Patay ang isang 20-anyos na yaya nang tumalon ito sa ika-16 na palapag ng condominium na kanyang pinapasukan makaraang hindi matahimik dahil sa paulit-ulit umanong sinasapian ng kaluluwa ng namayapang ama, kamakalawa ng gabi sa San Juan, Metro Manila.
Basag ang bungo at lasug-lasog ang katawan ng biktimang si Analyn Duran makaraang bumagsak sa ground floor ng Strata 300 na matatagpuan sa kanto ng P. Guevarra at Sioson St., Brgy. Sta Lucia ng nasabing bayan.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi matapos tumalon ang biktima sa ika-16 na palapag ng condo unit kung saan naninirahan ang kanyang mga amo, ang pamilya Co.
Nabatid kay Rosalina Drio, kasamahang katulong ng nasawi, na lumabas sa kuwarto ng binabantayan nitong bata si Analyn at paulit-ulit na nagpaalam sa kanya.
Hindi naman niya ito napag-ukulan ng pansin dahil sa abala siya sa paghuhugas ng pinggan.
Ilang sandali pa ang lumipas ay kumatok ang security guard ng condo sa kanilang unit at ipinaalam sa kanyang mga amo ang ginawang pagtalon ni Analyn sa beranda ng kanilang tinitirahan.
Nakuha sa kuwarto ng nasawi ang dalawa at kalahating pahina ng suicide note na nakasulat sa yellow pad. Nakasaad dito ang paghingi niya ng kapatawaran sa kanyang mga amo. Hindi na umano niya matiis ang paulit-ulit na pagsanib sa kanyang katawan ng kaluluwa ng kanyang namayapang ama na labis nitong ikinaliligalig.
Dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime Laboratory para isailalim sa awtopsiya at para alamin kung may naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest