^

Metro

Briton binoga sa disco bar

-
Malubhang nasugatan ang isang British national makaraang mabaril ito ng hindi pa nakikilalang suspect habang nagsasayaw sa dance floor ng isang bar kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Ginagamot ngayon sa Makati Medical Center ang biktimang si Leon Beltran Maxim, 21, ng Block 15, Lot 35 Pena St., Mutual Homes Muntinlupa City sanhi ng tinamong tama ng bala mula sa di pa mabatid na kalibre ng baril sa tiyan na tumagos sa likod nito.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa 2nd level ng dance floor ng Club V. Bar na matatagpuan sa Mile Long Compound Amorsolo St., Legaspi Village Makati City.

Nabatid na kasalukuyang sumasayaw ang biktima ng bigla na lamang itong natumba.

Unang inakala ng mga kasamahan nito na nadapa lamang ang biktima subalit makalipas ang ilang sandali ay hindi na ito bumangon pa at nakita na may umaagos na daugo mula sa katawan nito.

Kaagad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima at dito na nabatid na nabaril ito.

Wala namang narinig na putok ng baril ang mga kostumer ng nasabing bar dahil sa lakas ng tugtugan dito.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya hinggil dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CLUB V

GINAGAMOT

LEGASPI VILLAGE MAKATI CITY

LEON BELTRAN MAXIM

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MILE LONG COMPOUND AMORSOLO ST.

MUTUAL HOMES MUNTINLUPA CITY

PENA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with