^

Metro

Reyes pinatutukan ang sugal at droga

-
Matapos na magbitiw bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), pinapayuhan ni out going Secretary Joey Lina si Angelo Reyes na bagong talagang DILG Secretary na tutukan ang iligal na droga at illegal gambling sa bansa.

Ayon kay Lina, kailangan masugpo ang pagkalat ng droga upang unti-unting mabawasan ang krimen sa bansa na kadalasang kinasasangkutan ng mga prominenteng tao.

Sinabi ni Lina na dapat na ituloy ni Reyes ang kanilang mga pagsalakay sa mga shabu laboratory na responsable sa paggawa ng mga droga na kumakalat sa bansa.

Hindi rin umano dapat na magpadaig si Reyes sa impluwensiya ng mga pinaniniwalaang drug lords.

Kaugnay nito, pinatututukan din ni Lina kay Reyes ang illegal gambling sa bansa partikular na sa region 3 at 4.

Bagama’t bahagya niyang nasugpo ang illegal gambling aminado si Lina na nananatiling talamak ang sugal tulad ng jueteng sa ilang lalawigan sa bansa.

Samantala, pinayuhan din ni Lina ang mga pulis sa iba’t ibang bansa na makipagtulungan sa dating hepe ng NAKTAF upang madaling malinis ang hanay ng pulisya at tuluyang maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Kailangan ding doblehin ang pagiging kamay na bakal ni Reyes laban sa mga scalawag na pulis upang mabago ang imahe ng mga ito sa publiko. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANGELO REYES

AYON

BAGAMA

BANSA

DORIS FRANCHE

KAILANGAN

REYES

SECRETARY JOEY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with