^

Metro

Alagad ni Almeda umalma sa isyung bangkay na 'di nailibing

-
Personal na dahilan ang nagtulak sa isang miyembro ng Jesus Miracle Crusade kung bakit tumanggi itong ipa-embalsamo at ipalibing noong una ang kanyang asawa na tatlong araw nang patay simula noong Miyerkules ng hapon sa Quezon City.

Kasabay nito, nilinaw din ng ilang miyembro ng Jesus Miracle Crusade ni Wilde Almeda na hindi bahagi ng kanilang doktrina ang pagtanggi sa pagbuburol at pagpapalibing sa bangkay.

Sa pakikipanayam kay Jonathan Cordial, 30, sobrang pagmamahal ang nangingibabaw sa kanya kung kaya’t tumanggi siyang iburol ang bangkay ng kanyang asawa na si Marilyn, 28 ng 119 Kaliraya St. Mora Compound, Brgy. Tatalon, ng nabanggit na lungsod,

Ayon kay Jonathan, hindi niya kayang mawala ang kanyang asawa na siyam na taon na niyang kasama kung kaya’t umaasa pa siya na gagaling ito mula sa sakit na kanyang nararamdaman.

Posibleng ang kawalan ng anak ang siyang dahilan ng kanyang pangungulila sakaling mawala ang asawa.

Ipinaliwanag din ni Jonathan na nakaramdam lamang ng sakit sa tiyan ang kanyang asawa na tumagal ng tatlong araw subalit hindi naman siya nabahala na dalhin ito sa doktor.

Nabigo ding sabihin ni Jonathan kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang misis.

Matatandaan na inireklamo si Jonathan ng kanyang mga kapitbahay matapos na umalingasaw ang amoy mula sa bangkay ng kanyang asawa na noo’y nasa state of decomposition.

Bunga nito, agad namang itinakbo ni Jonathan ang bangkay ng kanyang asawa at tuluyan ng inilibing ng hindi man lamang naiimbestigahan ng mga awtoridad.

Ayon naman sa pulisya, posibleng may foul play sa pagkamatay ni Marilyn kung kaya’t tuluyan ng pinalibing ito ni Jonathan. (Ulat ni Doris Franche)

ASAWA

AYON

DORIS FRANCHE

JESUS MIRACLE CRUSADE

JONATHAN

JONATHAN CORDIAL

KALIRAYA ST. MORA COMPOUND

KANYANG

QUEZON CITY

WILDE ALMEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with