^

Metro

Tomboy nag-suicide matapos mamaril ng 2-katao

-
Isang tomboy ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo makaraang makunsensiya nang pagbabarilin nito ang isa pang tomboy at ginang sa pag-aakalang sinisiraan ang una sa kalive-in partner nito sa Caloocan City.

Dead on the spot bunga ng isang tama ng bala ng .38 na baril sa noo si Lydia Fralam, 48, barangay tanod ng 147 Ilocos Norte st., Bagong Bantay, Quezon City.

Nakikipaglaban naman kay kamatayan sa Far Eastern University (FEU) Hospital bunga ng tinamong tama ng bala sa katawan ang mga biktimang sina Marla Matias, 44, dalaga at Jasmin Holgado, 23, may-asawa, kapwa residente ng Midway Park, Amparo Subd., Caloocan City.

Ayon sa ulat, dakong alas- 5:00 noong Sabado ng gabi nang maganap ang insidente habang abala ang mga biktima sa gawaing bahay ng mga ito nang dumating ang suspect na galit at kinompronta si Matias.

Sinasabing ikinagagalit umano ni Fralam ang ginawang paninira umano ni Matias sa kanya para masulot umano nito ang kinakasama ng una na si Rebecca Ramos kung kaya nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa puntong ito, nagwala ang suspect at walang habas na pinagbabaril ang tomboy gayundin ang ginang at nang makunsensiya sa ginawa ay saka nagpasyang kitlin ang sariling buhay at nagbaril sa sarili. (Ulat ni Ricky Tulipat)

vuukle comment

AMPARO SUBD

BAGONG BANTAY

CALOOCAN CITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

ILOCOS NORTE

JASMIN HOLGADO

LYDIA FRALAM

MARLA MATIAS

MATIAS

MIDWAY PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with