Naaagnas na bangkay,ayaw ipalibing inireklamo ng mga kapitbahay
July 4, 2004 | 12:00am
Dala ng paniniwala sa kanilang kinaanibang religious group, nadiskubre ang naaagnas na bangkay ng isang ginang sa isang bahay sa Quezon City matapos na mangamoy at ireklamo ng mga kapitbahay kahapon ng madaling-araw bunga na rin ng pagtanggi ng mister nito na ipalibing ang bangkay.
Sa pakikipanayam kay Henry Garcia, Brgy. Security and Development Officer (BSDO) nagreklamo ang residente ng Mora Compound matapos na sumingaw ang isang mabahong amoy na nanggagaling sa 119 Kaliraya St., Mora Compound, Brgy. Tatalon ng nasabing lungsod.
Agad na pinuntahan ng mga BSDO ang bahay at nakita nila ang naaagnas na bangkay ni Marlyn Cordial na nakahiga sa kama habang binabantayan ng asawa nitong si Marvin. Ang mga ito ay kasapi umano ng Jesus Miracle Crusade.
Ayon kay Garcia, tumatanggi si Marvin na ipalibing ang bangkay ng kanyang asawa dahil naniniwala pa umano siya na mabubuhay si Marlyn bagamat ito ay tatlong araw nang patay.
Ilang oras lamang ang nakalipas ay dumating ang isang ambulansiya na kamag-anak ni Marvin at isinakay si Marlyn at dinala sa hindi pa malamang ospital.
Nauna rito, hindi rin pinapasok ni Marvin ang mga tauhan ng CPD-CIU na magsasagawa sana ng imbestigasyon sa krimen.
Hindi rin pumayag si Marvin na ipa-embalsamo ang bangkay ng asawa dahil labag daw ito sa kanilang paniniwala.
Wala namang nakakaalam kung nasaan si Marvin matapos nitong itakas ang kanyang asawa. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended