Bank teller naboga ng sekyu,sugatan
July 4, 2004 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang isang bank teller makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng kanilang security guard sa bangko na nililinis ng huli, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Ginagamot ngayon sa Makati Medical Center ang biktimang si Catherine Viray, 30, teller ng United Coconut Planters Bank sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.
Kaagad namang sumuko sa awtoridad ang security guard ng nasabing bangko na si Arturo Lagumbay, 23, matapos nitong isugod sa nasabing pagamutan ang biktima.
Sa report ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa loob ng nasabing bangko na nasa Valerio St., Brgy. Bel-Air, Makati City.
Kasalukuyang nililinis ni Lagumbay ang kanyang kalibre.38 service firearm nang aksidente itong pumutok at tamaan ang biktima na kasalukuyan naman noong nakaupo sa isang lamesa at nag-o-audit.
Nabatid na tumagos ang bala ng baril ni Lagumbay sa kahoy na divider bago tumama sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended