9-anyos pinagnanakaw ng tiya:Ginugulpi,pinapaso 'pag tumanggi
July 3, 2004 | 12:00am
Isang ginang ang inireklamo sa pulisya ng kasong child exploitation at child abuse makaraang utusan nito ang kanyang 9-anyos na pamangking babae na magnakaw kung saan kanya itong ginugulpi at pinapaso ng sigarilyo kapag tumatanggi ang bata sa kanyang kagustuhan, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Pinaghahanap ang suspect na si Gloria Portodo, ng Yakal St., Brgy. Comembo, Makati City.
Samantalang ang biktima na nasa kustodya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Makati City ay nakilalang si Maria Christina na nang dalhin sa pulisya ay kita pa ang bakas ng mga paso ng sigarilyo sa katawan.
Ayon sa sumbong sa pulisya, inuutusan ng suspect na magnakaw sa malalaking bahay ang bata para umano makalikom sila ng pera na gagamitin sa pagtitinda.
Kapag hindi pumapayag ang biktima ay ginugulpi at pinapaso ito ng sigarilyo ng tiyahin. At dahil sa hindi na matiis ang mga tinatamong pahirap ay napipilitan ang bata na magnakaw.
Kamakalawa ng gabi, apat na bahay ang pinasok ng biktima at nakakulimbat ng apat na cellphone, ngunit ang isa sa pinasok nitong bahay ay bahay ng isang taga-DSWD na nakahuli sa kanya.
Dinala ang bata sa pulisya at doon ipinagtapat nito na inuutusan siya ng kanyang tiyahin na magnakaw. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended