^

Metro

500 kabataan nasagip sa white slavery

-
Limandaang kabataang babae ang pinangakuan ng magandang trabaho sa ibang bansa ang nailigtas ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isinagawang raid sa isang talent-recruiting agency sa Makati City, kahapon ng hapon.

Ayon sa mga opisyal ng PNP-CIDG, dalawang medium-rise na gusali ang kanilang sinalakay na inookupa ng Marick Artist Placement Services na matatagpuan sa #2298 Marconi St., San Isidro, Makati City kung saan itinatago ang mga biktima.

Ang mga nailigtas na kabataan ay nagkakaedad mula 14 hanggang 17-anyos na pawang ni-recruit para magtrabaho bilang entertainers sa Japan subalit humahantong sa prostitution dens at night clubs sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Nabatid na ang nasabing mga kabataan ay ni-recruit pa ng isang kinilalang Jun Villar, administrator ng Marick na dinakip sa operasyon mula sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Ang nasabing mga kabataan ay ni-recruit simula pa nitong huling bahagi ng nakalipas na taon para magtrabaho sa Japan bilang mga entertainers subalit pagdating sa Metro Manila ay sa mga prostitution den at night club ang mga ito humahantong. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JOY CANTOS

JUN VILLAR

MAKATI CITY

MARCONI ST.

MARICK ARTIST PLACEMENT SERVICES

METRO MANILA

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with