WPD cop timbog sa kotong
July 3, 2004 | 12:00am
Isang pulis-Maynila ang bumagsak sa kulungan matapos na mahuli ng mga kagawad ng Napolcom na nangongotong ng P5,000 sa isang sibilyan na hinuli nito at inakusahang holdaper, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.
Nakilala ang naarestong pulis na si SPO1 Angelito Arellano, nakatalaga sa WPD-Luneta Police Community Precinct 5.
Base sa reklamo ng biktimang si Marcel Velasco, naglalakad siya kasama ang ka-live in na si Rose Ann Rabe sa tapat ng Masagana Mall sa Taft Avenue, Ermita noong Huwebes ng madaling araw nang bigla na lamang siyang sitahin at hulihin ni Arellano kung saan inakusahan siya nito na isang holdaper.
Dinala ang biktima sa loob ng Luneta PCP at sinabihan na makakalaya lamang kung magbibigay ito ng P30,000. Nakipagtawaran naman si Velasco at nagkasundo sa halagang P10,000.
Nakapagbigay lamang si Velasco ng paunang bayad na P5,000 at ipinangakong isusunod ang kalahati ng bayad. Dito pinalaya ang kanyang kinakasama na si Rabe upang kumuha ng pera at dahil dito agad nitong kinontak ang kaibigang pulis na taga-Napolcom.
Agad na inihanda ang entrapment sa tapat mismo ng Luneta PCP kung saan nadakip si Arellano sa aktong tinatanggap ang pera buhat kay Rabe dakong alas- 11 ng gabi kamakalawa.
Inihahanda na ang kaso laban dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am