2 bomba natagpuan sa Pasay
July 3, 2004 | 12:00am
Na-recover ng pulisya ang dalawang practice bomb makaraang makasama sa hinakot na basura ng tatlong basurero kahapon ng umaga sa Pasay City.
Sa report ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Explosives Ordnance Team ng Pasay City Police, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bomba sa kahabaan ng Taft Avenue Ext., Pasay City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naghahakot ng basura sina Arnel Aguilon, 19; David Bulso, 50; at Vicente Balida, 40, pawang mga taga-#704 Apelo Cruz St, Malibay, Pasay City.
Nagtataka ang tatlo kung bakit napakabigat ng basurang kanilang hinahakot nang kanilang madiskubreng may kasama pala itong mga bomba.
Sa takot ng nabanggit na mga basurero na anumang oras ay maaari itong sumabog, kaagad nilang ipinagbigay-alam ito sa pulisya.
Ayon sa Pasay City Police, ang nabanggit na mga bomba ay isang uri ng practice bomb na maaari lamang aniyang nagkamali ng pinaglagyan.
Ipinagtataka naman ng mga residente kung bakit sinadyang ilagay sa basura ang nabanggit na mga bomba. Sa kabila nito, iniimbestigahan pa rin ng pulisya kung may kinalaman ito sa terorismo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended