13-anyos binoga sa ulo,patay
July 3, 2004 | 12:00am
Nasawi ang isang 13-anyos na totoy makaraang barilin ito sa ulo ng isang nagwawalang Muslim nang hindi makita ng suspect ang ama ng biktima na paghihigantihan nito, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.
Namatay sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktimang si Nicolai Carpio, grade 6 pupil, ng Block 13, Lot 12, Area 3, Longos ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na nakilala lamang sa alyas na "Bong Muslim" na nakatira sa Muslim Center sa Quiapo, Manila.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.
Napag-alamang bigla na lamang pumasok sa loob ng bahay ng pamilya Carpio ang suspect at nadatnan doon na nag-iisang natutulog si Nicolai.
Galit na galit na hinanap ng Muslim ang ama ng biktima na si Jerry Carpio sa hindi malamang kadahilanan at nang hindi nito makita ay ang bata ang pinagbalingan at binaril sa ulo na naging dahilan ng maagang kamatayan nito.
Sinasabing may kinalaman sa droga ang naganap na krimen.
Matapos ang ginawang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect sa hindi mabatid na direksyon dala ang ginamit na baril at iniwang duguang nakahandusay ang biktima.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya, gayundin inilunsad na ang malawakang operasyon laban sa suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended