^

Metro

Illegal recruiter timbog

-
Naaresto kahapon ng umaga sa kanyang opisina sa Quezon City ang isang illegal recruiter matapos na ireklamo ng may 500 katao na kanyang nirecruit sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan inalis pa nito ang kanyang peluka upang hindi makilala ng mga complainants.

Kinilala ni Supt. Benigno Durana ng CPD Cubao Police Station ang suspect na si Rico Abalon, 52, negosyante, tubong Northern Samar at naninirahan sa Unit 402 Regalla Tower P. Tuazon Blvd., Cubao, Quezon City.

Batay sa ulat, si Abalon ay may apat na warrant of arrest na inisyu ni Judge Esperanza Fabon-Victorino ng Pasig City RTC branch 157 para sa siyam na kasong estafa at syndicated illegal recruitment.

Si Abalon ay positibo namang itinuro ng 10 sa 500 sa kanyang naging biktima ng illegal recruitment.

Lumilitaw na si Abalon ay nagre-recruit ng mga manggagawa upang ipadala sa Papua New Guinea at iba pang bansa sa Pasipiko kapalit ng pangakong magandang sahod. Sinasabing si Abalon ay may kasosyong taga-Papua New Guinea na nakilalang si Ridler Kimabe.

Ayon sa mga biktima nirecruit sila ni Abalon at ng makapagbayad ng placement fee ay mabilis itong tumakas kasama ang iba pa nitong mga empleyado.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspect. (Ulat ni Doris Franche)

ABALON

BENIGNO DURANA

CUBAO POLICE STATION

DORIS FRANCHE

JUDGE ESPERANZA FABON-VICTORINO

NORTHERN SAMAR

PAPUA NEW GUINEA

PASIG CITY

QUEZON CITY

REGALLA TOWER P

RICO ABALON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with