2 paslit nilamon ng La Mesa dam
July 2, 2004 | 12:00am
Namatay ang dalawang elementary pupil makaraang maligo at malunod sa La Mesa Dam, kahapon ng tanghali sa Quezon City.
Nakilala ang mga ito na sina Mark Anthony Offemaria, 10 at Albert Mahilom, 9, kapwa grade 5 pupil. Nakaligtas naman ang kapatid ni Albert na si Ferdinand, 12.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Joel Gagaza ng CPD Criminal Investigation Unit, napag-alamang naligo ang mga biktima dakong ala-1:30 ng tanghali sa La Mesa Dam sa Morning Star, Payatas B sa nabanggit na lungsod.
Nakita na lamang ni Ferdinand na sumisigaw at humihingi ng tulong sina Albert at Offemaria, agad itong umahon at nakita ang scavenger na si Alexander Bunda.
Subalit sa pagsisid ni Bunda hindi na niya nakita ang dalawang bata. Dakong alas-3:30 ng hapon nang makita ang mga bangkay nito.
Mariin namang pinabulaanan ng security guard ng dam na nagpalabas sila ng tubig na naging dahilan ng pagkalunod ng dalawang bata.
Posibleng dinala ng malakas na hangin ang mga biktima hanggang sa ito ay malunod. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am