Janitor nilipad ni 'Igme' patay
July 1, 2004 | 12:00am
Nasawi ang isang janitor matapos itong matangay ng malakas na hanging dala ng bagyong si "Igme", habang naglilimas sa terrace ng gusali ng Phil. General Hospital (PGH) kahapon ng umaga.
Agad na nasawi makaraang mabagok ang ulo ng biktimang si Christopher Florin, 40, may asawa at residente ng Block 12, Lot 3, Villa Palao, Brgy. Banlic, Calamba, Laguna.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga kung saan nililimas ng biktima ang naimbak na tubig sa terrace sa ika-8 palapag sa gusali sa naturang pagamutan.
Bigla na lamang umanong humampas ang malakas na hangin na halos tangayin ang biktima at nagsanhi upang tuluyan itong mahulog.
Kaagad na sinaklolohan ng mga nakasaksi ang biktima ngunit binawian na ito ng buhay ilang minuto matapos dalhin sa Emergency Room ng PGH makaraang mabagok ang ulo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended