^

Metro

Construction worker,inatado ng mag-ama

-
Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang construction worker sa kamay ng isang mag-ama na matapos itong sabuyan ng tear gas ng ama sa mukha ay tinadtad pa ng saksak ng anak, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang nakilalang si Federico Saberit Jr., 39, ng 81 G. De Jesus St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspect na si Rimeo Mejica, 57, printing operator, kapitbahay ng biktima, habang ang anak nitong si Rommel ay naaresto sa isinagawang follow-up operation.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Panday Pira St., Brgy. 146, Bagong Barrio, Caloocan.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang bigla itong harangin ng mag-ama na agad na inispreyan sa mukha ng tear gas ng matandang Mejica at nang mapapikit na ay saka inundayan naman ng sunud-sunod na saksak sa katawan ng anak nito.

Ayon sa pulisya, paghihiganti ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima, makaraang una nitong sinaksak ang batang Mejica may isang buwan na ang nakakalipas matapos na hindi magkaunawaan. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BAGONG BARRIO

BRGY

CALOOCAN CITY

DE JESUS ST.

FEDERICO SABERIT JR.

MEJICA

PANDAY PIRA ST.

RIMEO MEJICA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with