^

Metro

2 sinalvage sa QC

-
Isang lalake at isang babae na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang tadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang mga biktima na sina Ronald San Jose, 39, pintor at residente ng 594 Marides St., Quirino Hi-way, Bagbag, Novaliches, habang ang bebot na nasawi ay nakilala lamang sa pangalang Susan.

Si San Jose ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa pisngi, tainga at dibdib, habang sa mukha naman ang tinamong tama ng babae.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw ng matagpuan ng BSDO na si Rosalindo Maico ang dalawang duguang biktima sa nabanggit na lugar.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen para alamin kung ano ang motibo sa pagpaslang, bagamat sinasabing isang Muslim umano ang siyang responsable sa pagpaslang sa dalawa. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BAGBAG

BATAY

DORIS FRANCHE

ISANG

MARIDES ST.

QUEZON CITY

QUIRINO HI

RONALD SAN JOSE

ROSALINDO MAICO

SI SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with