^

Metro

3 katao nilason ng adik: 1 patay

-
Nilason ng isang addict ang tatlong katao na kinabibilangan ng dalawang bata at isang lola na ikinamatay ng isa sa mga ito kahapon ng umaga sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Novaliches General Hospital ang biktima na si Aldrin Dangalan, 5, habang nasa naturang ospital pa rin ang pinsan nitong si Rossel Peddiaga, 3, at lolang si Mullon, 56, na pawang nakatira sa Camarin Ave., Zabarte Road, Novaliches, ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nakakulong sa CPD-Novaliches Police Station ang suspect na nakilalang si Alberto Agamao, 28, ng #24 San Ignacio St., Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Ferdinand Heli, nagsimulang makaramdam ng pagkalason ang mga biktima dakong alas-7 ng umaga.

Nabatid na nagpunta si Agamao sa bahay ng mga biktima at nagdala ng softdrinks na may halong lason.

Natiyempuhan namang dumating ang mga biktima at ininom ang softdrinks.

Nauna rito, dating live-in partner ni Agamao ang ina ni Dangalan na si Evelyn at naghiwalay din may dalawang buwan na ang nakararaan.

Ikinasama ng loob ni Agamao ang paghihiwalay kung kayat pinaghigantihan niya ang pamilya ng biktima.

Inamin naman ng suspect na si Evelyn ang kanyang nais na lasunin subalit ang ina, anak at pamangkin nito ang uminom.

Lumilitaw na ang suspect ay isang drug addict at may iba pang kaso ng pagnanakaw.

Sasampahan din ito ng kasong murder at frustrated murder sa Quezon City Regional Trial Court.(Ulat ni Doris Franche)

AGAMAO

ALBERTO AGAMAO

ALDRIN DANGALAN

CAMARIN AVE

DORIS FRANCHE

EVELYN

FERDINAND HELI

NOVALICHES

NOVALICHES GENERAL HOSPITAL

NOVALICHES POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with