^

Metro

21-anyos na dalaga na gang rape sa beach resort

-
Isang 21-anyos na dalaga ang halinhinang ginahasa ng tatlong empleyado ng isang resort kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Dumulog sa Novaliches Police Station ang biktima na itinago sa pangalang Susan, ng Quiapo, Maynila upang sampahan ng reklamo ang mga utilityman na sina Jerry Reyes, 18, ng #7 Lily St. Bgy. San Jose Sta. Cruz, Laguna; Aris Boldane, 18, ng #245 Katipunan St. San Bartolome, Q.C. at Segundino Gotolejo, 30, security guard ng #3321 2nd St. V. Mapa St. Quezon City.

Ang mga ito ay pawang nakatalaga sa California Garden Resort sa Katipunan St. San Bartolome, Novaliches, ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag ng biktima kay SPO1 Chito Aquino, naganap ang insidente sa loob mismo ng nasabing resort dakong ala-1:30 ng madaling-araw kahapon.

Aniya, dumalo siya sa isang overnight party ng kanyang kaibigan na nakilala sa pangalang Bing na ginaganap sa naturang resort.

Naubusan ng maiinom na alak ang kanilang grupo kung kaya’t napakisuyuan ito na bumili ng alak kung saan napagtanungan nito ang tatlong suspect.

Nagprisinta ang tatlo na samahan siya sa pagbili ng alak sa kondisyon na pagbibigyan niya ang mga suspect na uminom ng kanilang iniinom na beer.

Subalit makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang nakaramdam ng hilo ang biktima na naging dahilan upang hindi na ito makabalik pa sa kanyang mga kaibigan.

Dahil dito, nangamba naman ang mga kaibigan ng biktima na nagbunsod upang hanapin nila ito sa loob at labas ng resort hanggang sa makita nila sa loob ng isang cottage ang biktima na hubo’t hubad at walang malay.

Nang magising ang biktima, agad itong nagtungo sa pulisya upang ireklamo ang tatlong empleyado ng resort kung saan mabilis namang nadakip ang mga ito sa isinagawang police operation na positibong itinuro ng biktima.

Ang tatlo ay kakasuhan ng rape sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC). (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARIS BOLDANE

BIKTIMA

CALIFORNIA GARDEN RESORT

CHITO AQUINO

DORIS FRANCHE

JERRY REYES

KATIPUNAN ST. SAN BARTOLOME

LILY ST. BGY

MAPA ST. QUEZON CITY

NOVALICHES POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with