Pulis,2 tanod huling nagsa-shabu sa loob ng presinto
June 25, 2004 | 12:00am
Matapos makuhanan ng hidden camera habang gumagamit ng shabu, inaresto ng pulisya ang dalawang barangay tanod, habang sumuko naman sa kanyang opisyal ang pulis na sangkot sa insidente ng pagsa-shabu sa loob ng presinto ng pulisya sa Pasig City.
Iniharap kahapon ni EPD chief Director Oscar Valenzuela ang pulis na si PO1 Samuel Quiteves, 30, nakatalaga sa Pasig PNP-PCP6 sa Brgy. Palatiw. Ito ay sumuko matapos makunan ng hidden camera ng isang programa sa telebisyon na sumisinghot ng shabu sa loob ng station ng PCP 6 kasama ang mga tanod na sina Joseph Valera at Jay Sison noong Biyernes ng madaling araw.
Nabatid na matapos mapanood sa telebisyon ang aktuwal na paggamit ng shabu sa presinto ay kinompronta ng kanyang superior si Quiteves na umamin naman na siya nga ang nakunan ng hidden camera.
Isinailalim ito sa drug test at positibo ang naging resulta. Nakatakda itong sampahan ng kasong administratibo at kriminal. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended