^

Metro

4 traffic enforcers ng MMDA tiklo sa kotong

-
Apat na traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police dahil sa pangongotong sa isang operasyon, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rommel Quiton, 31; Allan Dollente, 27; George Javier, 44; at Renato Villafuerte, 44.

Ang apat ay dinakip matapos na mahulog sa isinagawang entrapment operation makaraang ireklamo ni Ben Nebres, liason officer ng Suntrans Bus dahil sa lingguhang paghingi sa kanya ng mga suspect ng P1,000.

Ayon sa biktima, ang mga suspect na pawang miyembro ng MMDA Mobile 12 ay humihingi sa kanilang kompanya ng halagang P1,000 kada linggo para umano hindi mahuli ang kanilang mga driver sa anumang traffic violation.

Sinabi pa ni Nebres na limang beses na siyang nakapagbibigay ng P1,000 sa apat at patuloy pa rin ang pangingikil ng mga ito sa kanila kaya nagpasya na siyang ireklamo ang mga ito.

Dakong alas-8 ng gabi nang isagawa ng mga pulis ang entrapment operation sa mga suspect sa may SM North EDSA Quezon City. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALLAN DOLLENTE

BEN NEBRES

GEORGE JAVIER

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RENATO VILLAFUERTE

ROMMEL QUITON

SUNTRANS BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with