^

Metro

Kinaladkad ng tren,karpintero napugutan

-
Isang karpintero ang naputulan ng ulo makaraang makaladkad ng tren ng may 250 metro ang layo habang ito ay nagkukumpuni ng kanilang bahay, kahapon sa Makati City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Reynaldo Pura, 49, ng 6370 PNR Road, Brgy. Pio del Pilar ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang tumakas ang operator ng tren na may body number na 405 na nakilalang si Audi Madrid ng Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Mike Descalzo, ng Makati City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa harapan ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nagkukumpuni ito ng kanyang bahay at hindi namalayan ang paparating na tren na nagbuhat sa Maynila.

Nahagip ang biktima at nakaladkad ito ng may 250 metro ang layo. Lasug-lasog at naputol ang ulo nito na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AUDI MADRID

BRGY

CALOOCAN CITY

ISANG

KAAGAD

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MIKE DESCALZO

REYNALDO PURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with