3 nagtanim ng bomba sa MM,tiklo
June 24, 2004 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Anti-Terrorism Task Force (ATTF) ang tatlong pinaghihinalaang terorista na responsable sa serye ng pagtatanim ng bomba sa Metro Manila sa isinagawang operasyon sa Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi.
Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Aguinaldo, iniharap ang mga nahuling suspect na sina Dante Fuentes, 29; Antonio Mercader at Rollie Pillado, caretaker ni dating Supt. Robert Camarista na ikinanta ng mga nadakip na nasa likod ng pagpapakalat ng tatlong bomba sa Metro Manila, kabilang na ang dalawang itinanim sa dalawang mahahalagang tanggapan ng pamahalaan.
Si Camarista at anim pa nitong kasamahang terorista ay nakatakas sa isinagawang raid ng ISAFP at PNP sa tahanan nito sa Brookside Executive Village sa Cainta dakong alas-10:30 ng gabi noong Martes.
Ang raid ay isinagawa base sa ipinalabas na warrant of arrest ni QC-RTC Judge Natividad Dizon ng Branch 106.
Ayon kay ATTF Chairman at Defense Secretary Eduardo Ermita, na si Camarista na dating nakatalaga sa Legal Affairs ng PNP sa Camp Crame ay isang AWOL na pulis officer, isang abugado at aktibo sa destabilisasyon sa kasalukuyang gobyerno.
Ito ay nag-AWOL sa serbisyo noong 1995 dahilan sa kasong robbery, nadismis sa serbisyo noong Abril 8, 1997 at mula nitoy nasangkot sa ilegal na aktibidades.
Binanggit pa ni Ermita na natukoy nila na sa bahay ni Camarista inihanda ang mga bomba na itinanim sa harap ng DILG, sa Department of National Defense at sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park sa Makati City.
Nasamsam din sa isinagawang raid ang isa at kalahating sako na tumitimbang ng 75 kilo ng ammonium nitrate, mga detonating cord, blasting caps, mga baril at mga bala at iba pang paraphernalia na gamit sa paggawa ng improvised bomb at mga dokumentong pulitikal.
Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing interogasyon ng ATTF ang mga nahuling suspect habang inilunsad naman ang manhunt operation laban kay Camarista. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended