Binata todas sa sagasa ng multicab

Binawian ng buhay ang isang binata matapos itong masagasaan ng isang multicab habang tumatawid kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Adrian Rey Montero, 24-anyos, nakatira sa #12 PNR Site, Barangay Putatan ng lungsod na ito habang sumuko naman ang suspect na si Mananito Dultos, 44, ng #173 R. V. Bongavilla st., Barangay Almanza, Las Piñas City.

Sa imbestigasyon ng Muntinlupa City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-3:20 kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Papatawid ang biktima nang mawalan ng kontrol ang minamanehong multicab na may plakang XHM-901 na minamaneho ng suspect na si Dultos at masagasaan ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments