Dadalaw sa QC jail: Missionary, 1 pa tiklo sa bala
June 21, 2004 | 12:00am
Dalawang dalaw na kinabibilangan ng isang umanoy missionary ang hinuli at ikinulong sa CPD-Kamuning Police Station matapos na mahulihan ng bala ng baril kahapon ng umaga sa Quezon City Jail.
Kinilala ni QC Jailwarden Supt. Gilbert Marpuri, ang mga suspect na sina Rosalinda Dilag y Manalang, 53, nagpakilalang missionary at residente ng 25 Cabuyao, Brgy. Sauyo, Novaliches, Q.C. at Renante Agustin y Cadubla, 45, ng 2584 Degula Compound, Gen. T. de Leon St. Valenzuela City. Ang mga ito ay kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan ng pulisya matapos na mahulihan ng bala ng .38 caliber.
Dakong alas-10 ng umaga ng magkahiwalay na magtungo sa city jail ang dalawang suspect. Sumailalim sa inspeksiyon nina JO1 Ceriaco Repdos at JO1 Sylvanna Quimson ang dalawang suspect at nakita sa bulsa ng pantalon ni Agustin at sa bag naman ni Dilag ang mga bala ng baril.
Ang mga ito ay kakasuhan ng illegal possession of ammunition sa QC Prosecutors Office (QCPO). (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended