Diprensiya sa pag-iisip hindi alibi sa bitay
June 20, 2004 | 12:00am
Hindi alibi ang pagkakaroon ng diprensiya sa isip upang maabsuwelto sa parusang kamatayan ang isang tao.
Ito ay napatunayan sa kaso ni Randy Belonio matapos na katigan ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Negros Occidental Regional Trial Court (RTC) Branch 50 na parusang kamatayan dahilan sa kasong pagpatay.
Sa naunang desisyon ni Judge Roberto Chiongson ng RTC noong Pebrero 26, 2001 kumbinsido ito na nasa katinuan ng pag-iisip si Belonio base na rin sa testimonya ng isang eksperto at witness na si Dr. Ester Regina Servando nang gawin ng akusado ang krimen.
Sinabi ng korte na alam ni Belonio ang lahat ng kanyang ginagawa subalit ang tanging ebidensiya na isinumite ng akusado na siya ay may diprensiya sa pag-iisip ay ang medical certificate na iprinisinta ni Dr. Antonio Guanzon kung saan nakasaad na ang una ay mayroong "schizophrenia".
Napatunayan din ng korte na ang konklusyon ni Dr. Guanzon na may "schizophrenic condition" si Belonio ay dahil sa mayroon na itong tatlong tao na napatay kabilang dito si Tamayo.
Iginiit ng Mataas na Hukom na ang krimeng ginawa ng akusado ay patraydor at recidisim na ang ibig sabihin ay nang gawin nito ang krimen ay na-convict na ito sa iba pang kaso katulad ng homicide at iba pa. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended