Trader patay sa ambush
June 19, 2004 | 12:00am
Isang 35-anyos na negosyante ang inambus at napatay ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan lulan ng isang van, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Joey Belarmino ng San Antonio Subdivision Damong Maliit, Novaliches, Quezon City bunga ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Daang Bato, Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City.
Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima sa lugar nang biglang sumulpot ang hindi nakikilalang mga suspect lulan sa isang dirty-white van na walang plaka at walang habas na pinaulanan ng bala ng baril ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Agad namang tumakas ang mga suspect sakay ng kanilang sasakyan.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para alamin kung ano ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang mga sangkot dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended