Ito ang plano ng MMDA habang pinag-aaralan nila ang ilang traffic proposal ni LTFRB Chairman Maria Elena Bautista upang maibsan ang volume ng public utility vehicles at masolusyunan ang tumitinding traffic sa Edsa dahil sa nakahambalang na mga bus.
Ayon kay MMDA, Traffic Operation Center Director Lito Vergel de Dios na sa programang modification lilimitahan ang pagpasok ng mga bus sa Edsa ngunit hindi naman maaapektuhan ang arawang kita ng mga tsuper at operators.
Sa nasabing scheme, bibigyan ng panibagong route assignment ang mga bus na ibabase sa kanilang orihinal na prangkisa.
Lilimitahan din ang mga bus na walang gaanong pasahero na bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa dahil nakakadagdag ito sa decongestion.
Nilinaw ni De Dios na pawang pag-aaral pa lamang ang isinasagawa ng mga traffic experts.
Sakaling aprubahan ng mga bus operators ang modification, ibabasura na ang pagpapatupad ng number coding o UVVRP sa mga pampasaherong bus. (Ulat ni Lordeth Bonilla)