^

Metro

'Modification' palit sa number coding sa mga bus

-
Tuluyan nang ibabasura ng MMDA ang pagpapatupad ng traffic scheme na number coding o unified vehicle volume reduction program (UVVRP) sa mga pampasaherong bus kapag inaprubahan na ng mga bus operators ang modification sa kahabaan ng Edsa at ilang pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

Ito ang plano ng MMDA habang pinag-aaralan nila ang ilang traffic proposal ni LTFRB Chairman Maria Elena Bautista upang maibsan ang volume ng public utility vehicles at masolusyunan ang tumitinding traffic sa Edsa dahil sa nakahambalang na mga bus.

Ayon kay MMDA, Traffic Operation Center Director Lito Vergel de Dios na sa programang modification lilimitahan ang pagpasok ng mga bus sa Edsa ngunit hindi naman maaapektuhan ang arawang kita ng mga tsuper at operators.

Sa nasabing scheme, bibigyan ng panibagong route assignment ang mga bus na ibabase sa kanilang orihinal na prangkisa.

Lilimitahan din ang mga bus na walang gaanong pasahero na bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa dahil nakakadagdag ito sa decongestion.

Nilinaw ni De Dios na pawang pag-aaral pa lamang ang isinasagawa ng mga traffic experts.

Sakaling aprubahan ng mga bus operators ang modification, ibabasura na ang pagpapatupad ng number coding o UVVRP sa mga pampasaherong bus. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BUS

CHAIRMAN MARIA ELENA BAUTISTA

DE DIOS

DIOS

EDSA

KALAKHANG MAYNILA

LORDETH BONILLA

TRAFFIC OPERATION CENTER DIRECTOR LITO VERGEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with