Nag-amok sa Quiapo napatay ng pulis
June 19, 2004 | 12:00am
Dumanak ang dugo sa loob ng Islamic Center sa Quiapo, Maynila makaraang mag-amok at walang habas na magpaputok ng baril ang isang lalaki kung saan lima ang nasugatan kabilang ang dalawang Datu at tatlong bata.
Napatay naman ng mga nagrespondeng pulis ang ayaw paawat na amok na nakilalang si Murog Kael, 22.
Nakilala ang mga nasugatan na sina Datu Amerol Ambiong, chairman ng Metro Manila Muslim Peace and Order Council at si Ret. Police Supt. na ngayoy kilala bilang Datu Makakna Lukman.
Bukod sa kanila, tatlong bata rin na hindi pa nakikilala ang nasugatan din sa insidente.
Sa ulat ng WPD Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa may Palanca St. malapit sa Islamic Center sa Quiapo.
Nabatid na nagwala sa naturang lugar ang suspect kung saan nanakot ito ng mga tao sa pamamagitan nang walang habas na pagpapaputok ng baril. Nakarating ang pagwawala ng suspect kina Ambiong at Lukman na nagtungo sa lugar upang payapain ang suspect.
Nang awatin ng dalawa ang suspect ay parang balewala lang dito na pinaulanan ng bala ng baril ang dalawang Datu.
Dahil dito, napilitan na ang pulisya na paputukan ang suspect na naging dahilan ng kamatayan nito.
Mabilis na isinugod sa Manila Doctors Hospital ang mga biktima kung saan nasa kritikal silang kondisyon.
Hindi pa rin malinaw kung bakit nagwala ang suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am