^

Metro

Utak sa bank holdap sa MM, 3 galamay timbog

-
Nadakip ng mga tauhan ng pulisya ang lider ng kilabot na "Canque Robbery Group" at tatlo pa nitong kasamahan makaraang matiyempuhan ang mga ito bago pa man muling makapagsagawa ng panghoholdap sa payroll money ng isang factory sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga nadakip na sina Arnel Canque, 40, lider ng nasabing grupo; Edgar Bendong, 28; Bryan Turing, 25 at Ferdinand Araneta, 34. Ang mga suspect ay pawang mga security guard ng iisang security agency na hindi muna pinangalanan.

Nasamsam sa mga ito ang matataas na kalibre ng mga baril, ilang ID cards at mga ATM cards na pinaniniwalaang pag-aari ng kanilang mga naging biktima.

Ayon sa ulat, nadakip ang apat dakong alas-4 ng hapon sa kahabaan ng Padrigal St., Brgy. Karuhatan, Valenzuela City.

Nabatid na nakatanggap ang pulisya ng impormasyon tungkol sa isasagawang payroll holdup ng grupo sa lugar kung kaya’t agad na bumuo ng team ang pulisya at nag-surveillance sa naturang lugar. Doon nga natiyempuhan ang mga suspect na naghahanda sa kanilang operasyon.

Nabatid pa na ang naturang grupo ay sangkot sa panghoholdap sa Allied Bank Corp. sa Paso de Blas sa Valenzuela noong nakalipas na Hunyo 11, 2003. (Ulat ni Rose Tamayo)

ALLIED BANK CORP

ARNEL CANQUE

BRYAN TURING

CANQUE ROBBERY GROUP

EDGAR BENDONG

FERDINAND ARANETA

NABATID

PADRIGAL ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with