Binatilyo ipinagulpi,ipinapatay ng kasintahan na tinanggihang pakasalan
June 16, 2004 | 12:00am
Isang binatilyo ang namatay sa bugbog makaraang ipagulpi ng kanyang kasintahan matapos umanong hindi panagutan ng una ang ipinagbubuntis ng huli, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Patay na nang idating sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng pagkabasag ng bungo at pagkabali-bali ng buto ang biktimang si Gaudie del Mundo, 18, out-of-school youth at naninirahan sa 11th Avenue ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang nakakulong sa Caloocan City Police station ang utak sa krimen na si Roxanne, 14, isa ring out-of-school youth, ng Morning Breeze Subdivision, Caloocan City.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa basketball court na matatagpuan sa Kampupot St. hindi kalayuan sa bahay ng nasawi.
Nabatid na bago maganap ang krimen ay galit na nagtungo si Roxanne sa kanyang mga kasamahan sa fraternity sa kanilang lugar at isinumbong nito ang boyfriend dahil sa ayaw panagutan ang kanyang ipinagbubuntis. Dahil dito, iniutos ni Roxanne sa kanyang mga kasamahan na gulpihin ang binatilyo.
Mabilis na sumugod ang grupo sa lugar ng biktima kung saan nakita nila ito na nakatayo sa may basketball court at doon sinimulan itong gulpihin at pagpapaluin ng baseball bat sa ulo at katawan. Hindi ito nilubayan ng mga suspect hanggang magmistulang lantang gulay.
Matapos ang isinagawang krimen, mabilis na nagsitakas ang mga suspect subalit sa ginawang follow-up operation ay nadakip si Roxanne sa kanilang bahay habang pinaghahanap pa ang iba pang kasamahan nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended