Brgy.chairman tinarakan ng video karera operator
June 16, 2004 | 12:00am
Patay na nang matagpuan ang isang barangay chairman matapos na pagsasaksakin ng isang umanoy operator ng ilegal na video karera, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang biktima na nagtamo ng anim na saksak sa katawan na si Aurelio Sese, 52, ng Brgy. 62, Zone 6, District 1, Tondo, Maynila. Iniwan pa ng suspect na kinilala lamang sa alyas na Lando na nakatarak sa tagiliran nito ang ginamit na patalim.
Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-5 ng madaling-araw sa may Aguilar St. sa naturang lugar.
Ayon sa mga saksi, huli umano nilang nakita na magkausap ang biktima at ang suspect at nagtatalo sa pinatatakbong video karera ng huli sa kanilang lugar.
Nabatid na nais na umanong ipasara ng chairman ang ilegal na negosyo ng suspect na kinababaliwan ng maraming kabataan sa lugar. Nagalit ang suspect hanggang sa mauwi sa pananaksak sa biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended