Buntis dedo sa cyanide
June 15, 2004 | 12:00am
Kasamang nasawi ng isang pitong buwang buntis na menor de edad ang dinadala niyang sanggol sa sinapupunan makaraang aksidenteng malason nang makainom ng cyanide, kahapon ng madaling araw sa Navotas.
Patay na nang idating sa Tondo Medical Center ang biktimang si Cresta Sarmiento, 17, ng 605 Pescador St., Barangay Bangkulasi ng nasabing bayan.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:15 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng live-in partner ni Cresta na si Michael Villanueva.
Kasalukuyan umanong natutulog ang biktima katabi ng live-in-partner nito nang makaramdam ng uhaw kung kaya bumangon ito at kinuha ang isang baso na lagayan ng tsokolate.
Nang makitang may laman ang baso ay agad nitong ininom at huli na nang malasahan nito na hindi tubig ang nainom kundi cyanide kayat agad nitong ginising ang kanyang ka-live-in.
Dali-daling bumalikwas si Villanueva sa pagkakahiga ngunit nang tinanong nito ang biktima kung ano ang nangyari ay hindi na nagawa pa nitong makapagsalita.
Mabilis na isinugod ni Villanueva sa pagamutan ang buntis na ka-live-in subalit hindi na umabot pang buhay.
Napag-alaman pa na ginagamit ni Villanueva ang cyanide sa paglilinis ng mga silver jewelries at nakalimutan nitong itabi hanggang sa makatulog silang dalawa.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso upang matiyak na walang naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended