^

Metro

P100-M pondo para sa pagtatayo ng QC University

-
Umaabot sa P100 milyon ang halagang ipanunukala sa Quezon City Council para sa pagpapatayo ng sariling pamantasan ng lungsod sa pagbubukas ng sesyon ngayong Lunes.

Ayon kay QC Councilor Dante de Guzman, ang magandang kalidad ng edukasyon ay isa sa mga pangunahing programa ni QC Mayor Feliciano Belmonte kasabay ng kanilang adhikain na maging "quality city" ang QC.

Sinabi ni de Guzman na ang pagkakaroon ng QC University ay naglalayong magkaroon ng sariling unibersidad ang lungsod at mabigyan ng libreng edukasyon ang mga high school graduates.

Tiniyak ni de Guzman na sa pagkakaroon ng pamantasan ng QC mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mas lalo pang mapabuti ang kanilang galing at talino.

Ang pondo ng pagpapatayo ng unibersidad ay manggagaling sa budget ng city government habang patuloy pa rin ang pamamahagi nila ng application para sa libreng vocational at technical course na magsisimula sa Hulyo.

Tuluy-tuloy pa rin ang kanyang livelihood programs, medical, dental at optical services at electrification projects. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

COUNCILOR DANTE

DORIS FRANCHE

GUZMAN

HULYO

MAYOR FELICIANO BELMONTE

QUEZON CITY COUNCIL

SINABI

TINIYAK

TULUY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with