Kidnaper patay sa shootout
June 14, 2004 | 12:00am
Isang lalaki na hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom gang ang nasawi matapos na makipagbarilan sa mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na rumesponde matapos humingi ng tulong ang isang security guard kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila.
Kinilala ni PDEA Task Force Hunter chief Director Reynaldo Jaylo ang suspect na si Ben Miche na namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila.
Nailigtas naman ng pulisya ang biktimang si Franco Gomez, driver ng IPT Rent-A-Car na matatagpuan sa Carolina St. Malate ng nasabing lungsod.
Lumilitaw sa ulat ng pulisya na dakong alas-12:30 ng madaling-araw ng isang security guard ang humingi ng tulong sa PDEA Task Force Hunter hinggil sa gulong nangyayari.
Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad kung saan bigla na lamang silang pinaputukan ng mga suspect na armado ng ibat ibang kalibre ng baril hanggang sa gumanti ang taga-PDEA.
Tinamaan si Miche sa ulo kasabay ng pagkakakuha ng 10 pakete ng shabu, kalibre .45 at isang jacket na may pekeng PDEA logo.
Nakita naman si Gomez sa loob ng isang Toyota Camry na nakaposas ang kamay at naka-tape ang bibig.
Kasalukuyan pa ring inaalam ng mga awtoridad ang grupong kanilang nakasagupa at ang tunay na uri ng mga operasyon nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am