^

Metro

Gamot sa kabayo gamit ng mga rapist

-
Kung ang shampoo ng kabayo ay ginagamit na ngayon ng tao lalo na ang mga nakakalbo, dalawa namang gamot sa kabayo ang umano’y ginagamit din ngayon ng mga naglipanang rapist sa kanilang mga binibiktima.

At dahil dito, pinag-iingat ng mga kinauukulan lalo na ang mga kababaihan dahil ito umano ang ginagamit ng mga rapist upang walang maalala ang kanilang mga binibiktima.

Ang dalawang gamot para sa kabayo ay ang "Rohypnol" at "Progestrex" na ginagamit ng mga beterinaryo sa mga babaeng kabayo na pangarera upang hindi na magbuntis.

Batay pa sa ulat, napakadaling ihalo ng mga naturang gamot sa inumin dahil madali itong matunaw at kapag nainom na ay wala nang maaalalang ano pa man ang biktima.

Inihahalintulad ang isang gang rape case na nangyari nito lamang nakaraang Sabado ng gabi sa isang hindi binanggit na night club kung saan isang babae ang bitbit ng limang kalalakihan na isinakay sa isang sasakyan.

Kinabukasan nakita na lamang ang biktima na may palatandaan na pinagsamantalahan.

Lumalabas naman sa pagsusuri ng medico legal na positibo nga itong ginahasa at na-trace sa blood sample nito na pinainom ito ng nasabing gamot.

Hindi na rin maalala ng biktima ang nangyari sa kanya ng nakaraang gabi.

Sinasabi pang ang babaeng makakainom nito ay habambuhay nang magiging baog. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BATAY

EDWIN BALASA

INIHAHALINTULAD

KINABUKASAN

LUMALABAS

PROGESTREX

ROHYPNOL

SABADO

SINASABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with